Talaarawan

NOV. 4, 2013
Ngayong araw ay ang aming pagbabalik ng klase matapos ang semestral break, at kmi ay nagbalik aral sa akdang "BANAAG AT SIKAT",at pagkatapos kami ay nagkaroon ng pagsusulit.

NOV. 5, 2013

Ngayong araw aming tinalakay ang akdang "SA PULA SA PUTI " at kami ay nagkaroon ng pagsusulit at tinanong sa amin kung ano ang teoryang nakapaloob sa akda. Pagkatapos kami ay nagkaroon ng pangkatan at ang nakaatas sa amin ay kung ano ang mga desisyong ginawa ni Teban, Celing,at Kulas.

NOV.6, 2013

Ngayong araw kami ay nagkaroon ng pangkatan tungkol sa pagiwas sa sugal at ang nakaatas sa aming grupo ay kung ano ang isasaalang-alang kung ikaw ay magbi-bingo o tataya ng lotto.

NOV.7, 2013

Ngayong araw kami ay sumulat ng isang talata tungkol sa  pagiwas sa sugal.

NOV.11, 2013

Ngayong araw kami ay nagwasto ng autput ng aming kamag-aral.

 NOV.12 ,2013

Ngayong araw kami ay nagkaroon ng maikling mga pahayag na aming sasagutan tungkol sa deskripsyon sa mga lugar sa Quiapo.

NOV. 13, 2013

Ngayong araw kami ay nagkaroon ng pagsusulit tungkol sa malalalim na parirala.

NOV. 14, 2013

Ngayong araw aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akdang MABANGIS NA LUNGSO at ito ay teoryang naturalismo. At pagkatapos kami ay nagkaroon ng pangkatan ukol dito.

NON. 15, 2013

Ngayong araw aming ipinagpatuloy ang pagtatalakay sa teoyang nakapaloob sa akdang 'MABANGIS NA LUNGSOD".At kami ay nagkaroon nga pangkatan at ang nakaatas sa amin ay kung anu -ano nga ba ang ginagawa ng pamahalaan tungkol sa mga suliraning katulad ng sa akda?

NOV. 18, 2013

Ngayong araw aming tinalakay ang mga karapatan para sa mga kabataan at kami ay sumulat ng talata tungkol sa mga karapatan na sa amin ay nagkulang at sa amin ay sumobra.

NOV. 19, 2013

Ngayong araw kami ay nagbigay ng opinyon tungkol sa pahayag na "WALANG MAAALIPIN KUNG WALANG MAGPA-PAALIPIN" at pagkatapos nito ang pangkat apat ay nagsadula ng akdang " 
"TATA SELO" at pinagaralan namin ang mga malalalim na salita nna nakapaloob dito.

NOV.20, 2013

Ngayong araw, ipinagpatuloy namin ang pag-aaral sa akdang "TATA SELO" at kami ay nagkaroon ng pangkatan ukol dito.

NOV. 21, 2013

Ngayong araw, aming pinag-aralan ang teoryang nakapaloob sa akdang "TATA SELO" at ito ay teoryang dekonstruksyon na tumatlaakay sa pagbabaliktad ng pangyayari sa akda.

NOV.22, 2013

Ngayong araw, aming binigyan ang mga slogan na aming ipinasa. At pagkatapos, kami ay nagkaroon ng maikling pagsu-sulit.

NOV. 25, 2013

Ngayong araw, iniulat ng pangkat isa ang akdang "SINAG NG KARIMLAN" inilarawan nila sa amin kung anu-ano ang mga katangian ng mga tauhan. At pagkatapos ay binigyan kami ng takdang aralin sa paraang pangkatan na kung anu-ano pa ang mga katangian ng mga tauhan sa akda at ang nakaatas sa amin ay si bok.

NOV.26, 2013

Ngyong araw,aming isa-isang iniulat ang mga tauhan sa akda. At pagkatapos, ang aming guro ay nagpaskil pa ng ilang mga katanungan. At ang mga tauhan na iniulat kanina ay ito ang iniulat muli. Pagkatapos ng pag-uuat aming pinagaralan ang "ANTAS NG WIKA" ma magpapakilala ng uri ng wikang ginagamit.

NOV.27, 2013

Ngayong araw, ang aming guro ay nagbigay ng ilang mga katanungan tungkol sa mga isyung nakapaloob sa akda, At pagkatapos, aming sinuri ang mga nilalaman ng akda at ito ay sa paraan ng pangkatan. 

NOV.28, 2013

Ngayong araw, aming pinagaralan kung ano nga bang yri ng dula ang nakapaloob sa akdang "SINAG SA KARIMLAN" at ito ay ang dulang pansuliranin. Matapos namin mabasa ang kahulugan nito, dito pala makikita o nakapaloob ang teoryang nakapaloob sa akda. At pagkatapos,kami ay nagkaroon ng pangkatan. 

NOV.29, 2013

Ngyong araw, wala ang aming guro kaya si sir Mixto ay nagpagawa na aming gagawin.

DEC. 01, 2013

Ngyong araw, ako ay nagsimba kasama ng aking mga pamilya, pagkatapos ako ay nagbasabasa ng mga Math Concept. At ng alas tres na ng hapon pagkatapos matulog ako ay lumabas at ako ay naglaro ng basketball.

DEC. 02, 2013

Ngayong araw, ang aming guro ay nag paskil ng mga larawan ng mga taong nagtagumpay sa iba ibang larangan, At pagkatapos ay pinabasa ni ang aming kaklase ng akdang "BANYAGA" At pinasalungguhitan ng aming guro ang mga salitang naguulit. At ng ako ay umuwi ako ay natulog hanggang alas tres.At pagkatapos aking inalagaan ang aking kapatid na bata.

DEC. 03,2013

Ngayong araw,aming tinalakay kung anu-ano ang mga letrang inuulit sa mga pahayag at kung ano ang kaibahan ng kahulugan nito sa kahulugan ng lantay nito. At pagkatapos bago umuwi kami muna ay nag-review sa math nila Brite. Nang ako ay umuwi na ako ay kumain at pagkatapos ako ay nag computer uoang gawin ang mga ass. sa Filipino at sa iba pang asignatura.

DEC. 04, 2013

Ngayong araw, aming tinalakay ang teoryang nakapaloob sa akdang "BANYAGA" at ito ay teoryang feminismo. At pagkatapos, ang aming guro ay nagpaskil ng mga pahayag na nagsasaad kung banyagang-banyaga nga si Fely sa kanyang nayon. At kami ay nagkaroon ng pangkatan tungkol sa akda. At nang ako ay umuwi na ako ay kumain at deretso tulog dahil ako ay inaantok na.

DEC. 05, 2013

Ngayong araw, aming isinagawa ang aming pangkatan,at ang aming grupo ang unang nagsagawa ng at ito ay sa paraan ng pagsasadula. At pagkatapos ng lahat ng grupo ang aming guro ay nagbigay ng bawat komento. At nang ako ay umuwi ako ay nag-computer.

DEC. 06, 2013

Ngayong araw, kami ay nagkaroon ng pagsulat patungkol sa paggalang sa mga kababaihan. Nang ako ay umuwi ako ay naghanda ng mga gamit para sa gagamitin ko para sa aking mga proyekto bukas.

DEC.07, 2013

Ngayong araw, inalagaan ko ang aking kapatid upang matapos ang aking ina maglaba. At pagkatapos ako ay gumawa ng proyekto sa edukasyong papapahalaga at sa Math.

DEC.08, 2013

Ngayong araw, aking ipinagpatuloy ang pag-gawa ng aking proyekto.

DEC.09, 2013

Ngayong araw, wala ang aming guro at si sir Mixto a binigyan kami ng aming gagawin tugkol sa akdang "KINAGISNANG BALON". At ako ay umuwi at natulog at pagkatapos ako ay nagcomputer. Upang gawin ang takadang aralin.

DEC.10, 2013
Ngayong araw, kami ay kapos sa oras para sa asignaturang filipino dahil sa kaarawan ng aming punung-guro. Maaga ang aming uwian at pagkauwi ko ay inalagaan ko ang aking kapatid dahil maglalaba ang aking ina at walang mag-aalaga rito. Nang hapon na aking ipinagpatuloy ang paggawa ng proyekto at ito ay sa E.P.

DEC.11, 2013
Ngayong araw, kami ay nagkaroon ng pambungad na kaalaman para sa kinagisnang balon.At ang aming guro ay nagpaskil ng larawan ng balon at ng aguwador. At ang aming grupo ay nakaatas na mag-ulat tungkol sa akdang "KINAGISNANG BALON" at kung sinu-sino ang mga tauhan rito.At kami ay nagkaroon ng pangkatan tungkol sa akda. At nang ako ay umuwi ako ay natulog at pagkatapos ay inilibot ko ang aking kapatid sa labas ng bahay upang malibang.

DEC.12, 2013
Ngayong araw,ang aming guro ay nagtatanong kung sino sa aming magkaka-klase ang mayroon ng pusa dahil siya ay hihingi ngunit ako at wala nito. At pagkatapos ang pangkat isa ahanggang pangkat tatlo ay nagpatuloy sa pag-ulat ng pangkatan dahil kulang kami sa oras kahapon.At ngayon ay pinagaralan namin ang teoryang nakapaloob sa akdang" KINAGISNANG BALON" at ito ay ang teoryang dekonstruksyon.
At ang aming guro ay nagpaskil ng mga kukumpletuhing pahayag para mabuo ito.

DEC.13, 2013
Ngayong araw, kami ay nagkaroon ng pagsulat tungkol sa paksang "PAANO MARARATING ANG IYONG PANGARAP". At bago pa mangyari ito ang aming guro ay nagpakita at nagsabi ng mga nakakatawang  bagay.At ako ay  umuwi kaagad sapagkat wala kaming pagrereview sa matematika.

DEC.14, 2013
Ngayong araw, kami ng aming mga kaibigan ay pumunta sa Marikina upang gumala at bumili ng ibat-ibang gamit, kami rin ay pumunta sa river bank upang maglibut-libut at para maglibang makaraan ang ilang oras bago mag tanghali kami ay sabay-sabay umuwi kami ay inilibre ng pamasahe ng aming isang kasama at kami pa ay pinapunta sa kanilang bahay upang kami ay kumain, iyon pala ngayong araw ay ang kaarawan niya.

DEC.15, 2013
Ngayong araw, kami ay nagsimba kasama ang aking mga kapatid at magulang, pagkatapos ng misa kami ay agad umuwi dahil ang aking ina ay maglalaba pa ng maraming mga damit at si papa naman ay may ilalakad na bagay.

DEC.16, 2013
Ngayong araw, ang aming guro ay nagtanong ng mga palabas na aming napanood kagabi, kaya ito ay itinanong ng aming guro ay dahil ito ay konektado sa amig tatalakayin.At ito ay ang pagbubuod, pakataposang aming giro ay nagpaskil ng buod ng sa pula sa puti a isa isa namin iong sinuri batay sa pagkakabuo nito.  At pagkatapos,ang aming guro ay nagpaskil ng mga detalye kung nararapat ba itong ipaloob sa pagbubuod o mga bagay na dapat isaalang-alang kung tayoo ay magbubuod.Tinalakay rin namin ang mga hakbang para sa pagbubuod at ang aming guro ay nagbigay ng gawain na kami ay pipili sa mga pahayag ng mga salitang hindi na kailangan rito.

DEC. 17, 2013
Ngayong araw, ang bawat pangkat ay nagtanghal at nagpakitang presentasyon at sobrang saya dahil nakakatawa ang mga eksena,at para sa akin ang pangkat apat ang pinakamagandang presentasyon dahil ang kanilang presentasyong ay may magandang mensahe. Hindi lang pagsayaw at pagawit may-roon ring pagtula At syempre kapag may presentasyon may mga taong maghuhusga ,ito ay sina Gng. Velasco , ang aming gurong si Gng. Mixto ,At si Bnb. Cabrera.

DEC.18, 2013 
Ngayong araw, sa buong klase ay wala kaming ginawa kundi mag-tsek ng mga pagsusult namin kahapon. At sa asignaturang Filipino ang ibat-iba naming mga kaklase ay kumanta.

DEC.19, 2013
Ngayong araw, ako ay nagsimbang gabi at hindi simbang tabi.At nang umaga ako ay naglaro ng basketball at nang tanghali na ako ay kumain at pagkatapos ako ay lumabas ulit at ako ay nag-computer at nakalimutan kong magbukas ng blog.

DEC.20, 2013
Ngayong araw, ang aking ina ay maglalaba at  walng magbabantay sa aking nakababatang kapatid kaya ako na lang ang nag-alaga rito. At nang tanghali ako ay kumain saka ako lumabas.

DEC.21-23, 2013
Sa mga araw na ito ako ay pumunta sa bahay ng aking tito at tita doon muna ako pansamantalang tumira sa tatlong araw upang silay makasama .Sila ay nakatira malapit lamang sa Masinag doon rin ako nagkaroon ng maraming bagong kaibigan at pagdating ng hapon ng ika-23 ng disyembre ako ay umuwi na sa amin dahil mas gusto ko rito magpasko.

DEC.24, 2013
Ngayong araw,ay araw ng bisperas ng pasko ngunit hindi muna kami namili ng mga sangkap ngpagkain dahil hindi pa rin namin namin ito iluluto dahil sabi ng aking ina sa alas dose pa mina kami magluluto upang pag kakainin na ay medyo mainit pa.Kaya ako muna ay naglaro sa labas at gumala-gala at pagdating ng gabi ako ay lumabas  at nag paputok at pagsapit ng alas-dose kami ay sabay-sabay ng kumain. Merry Christmas!!

DEC. 25,2013
Ngayong araw, umaga pa lamang ako ay nasa labas na ng bahay at ako muna ay tumambay ng ilang minuto at pagkalipas ng ialang minuto pagbukas ng pinto ng aking lola agad ko siyang binati ng maligayang kaarawan dahil kaarawan rin niya ngayong araw.

DEC.26, 2013
Ngayong araw, ang aking ina, ama ,at nakatatandang ay maglalaba dahil sobarang dami na ng mga dami sa bahay.samantalang ako naman ay nakaatas nanaman sa aking  nakababatang babaeng kapatid upang ito ay alagaan. At nang hapon na ako ay nagbabad sa TV dahil umulan.

DEC.27, 2013
Sa araw na ito wala akong ginagawa, kung kaya ako na lang ay maghapong gumawa ng aking proyekto sa asignaturang Chemistry dahil kailangan rin naming magkaroon ng repleksyon para bawat konseptong aming pinagaralan.

DEC.28, 2013
Ngayong araw, naisipan kong gawin na rin ang aking proyekto sa asignaturang ingles upang pagkatapos ng bagong taon ay wala na akong gagawin.

DEC.29, 2013
Ngayong araw, ako ay nagsimba kasama ng aking mga pamilaya sa Antipolo ng umaga at pagkatapos ng misa kami ay namasyal at naglibut-libot sa ibang mga lugar at kumain.

DEC.30, 2013
Ngayong araw, ako ay sinama ng aking tita na si tita cristina sa riverbank at ako ay ipinasyal niya kasama ng kanyang mga anak at dito rin niya ako binilhan ng damit dahil hindi niya ako naregaluhan noong pasko.

DEC. 31, 2013
Ngayong araw, ako ay tinanghali ng magising at inabutan kong naglalaba ang aking ina buti na lang ay tulog ang aking kapatid dahil alam kong ako nanaman ang mag-aalaga rito .At pagkatapos ako at kumain at nanuod ng TV at pagkatapos kumain ako ay lumabas. Sa araw na ito ay araw rin nang bisperas ng bagong taon kaya pagkatapos ni mama maglaba kami ay pumunta sa Marikina para mamili ng pagkain kasama ng aking kapatid.At nang gabi na , hinintay namin ang countdown bago ang bagong taon at ako ay tumalon at sabay sabay na kaming kumain.

JAN. 06, 2014
Ngayong araw kami ay kinamusta ng aming guro kung paano namin udinaraos ang bagong taon at ang aming guro ay nagbigay ng mga pamagat ng ibat ibang akda at kami ay pipili ng dalawa sa maga akda upang ibuod at pipili ng pelikula at ibubuod rin ito.At pagkatapos ang aming guri ay nagbigay ng gawain na kami ay susulat ng repleksyon para sa mga naganap noong taong 2013.

JAN. 07, 2014
Ngayong araw, aming pinagaralan ang ibang mga bahagi ng noli me tangere at kung ano ang mga tunggalian ang mayroon rito. Tinalakay rin namin ang simbolo at kung amoo ito . Pagkatapos ang aming guro ay nagbasa ng bahagi ng noli me tangere at ito ay ang bahay ni kapitan tiyago at ang dapat naming gawin ay suriin kung ano ang sinisimbolo ng bahay. 

JAN.08, 2014
Ngayong araw, kami ay nagkaroon ng isang pageensayo para sa aming 3rd periodical test .

JAN.09,2014
Ngayong araw,kami ay nagkaroon na ng periodical test at ang mga asignaturang aming tinest ay ang T.L.E,
MAPEH, FILIPINO, at ang ENGLISH.

IKAAPAT NA MARKAHAN
JAN. 13, 2014
Ngayong araw, ang aming guro ay nagbigay ng gawain na kami ay magbibigay ng reaksyon at kung anu-ano ang pahiwatig ng mga saknong sa akdang PAMANA ni:Jose Corazon De Jesus.

JAN. 14-16, 2014

Sa mga araw na ito, kami nila Brite at Shenna ay sama-samang nag-review para sa aming laban ng MTAP.
Kasama rin namin ang iba pang mga year at ang mga gurong nagturo sa amin ay si Maam Santos at si sir Raro.

JAN. 17,2014

Ngayong araw, ay ang araw ng aming laban at sobrang hirap sapagkat ito ay mayroong ibat-ibang konsepto. Pero bago kami umalis doon ay nalaman namin na lahat kami ay pumasok sa Division Orals.

JAN. 18, 2014
Ngayong araw, dahil sa araw-araw na pagre-review sa Math at dahil sa mahirap na mga tanong sa contest namin kahapon ay ako muna ay nag-relax at naglaro ng maghapon para makalimutan ko lahat ng mga mahihirap na tanong sa Math.Siyempre uuwi na lang ako kapag uwian na.

JAN. 19, 2014
Ngayong araw, ako ay isinama ng aking tito Restituto na mamasyal sa santa lucia at pagkatapos naming kumain ay ako ay binilhan niya ng bagong sapatos at kami ay gumala pa sa iba pang parte ng lugar na iyon.

JAN.20, 2014
Ngayong araw, ay aming tinlakay ang tula ng damdamin at ito ay binigyan ng eksplenasyon ng aming guro upang amin iton maintindihan.At pagkatapos naming malaman ito ay bingyan kami ng aming guro ng aming gagawin na kami ay gagawa ng 10saknong na tula at ito ay sa paraan ng pangkatan.

JAN. 21, 2014
Ngayong araw, ang aming guro ay nagpaskil ng salawikain na "Huwag husgahan ang libro sa kanyang pabalat". At ito ay isa-isang inikpleyn ng aming kaklase at ng aming guro.At pagkatapos ay nagsimula na kaming magbasa ng akdang "Ang Kalupi" at aming inintindi ang bawat pangyayari.

JAN. 22, 2014
Ngayong araw, kami ay nagkaroon ng presentasyon ng aming pangkatang gawain kahapon. At aming pinagaralan ang balangkas ng maikling kuwento o tinatawag na Banghay.

JAN. 23, 2014
Ngayong araw, upang lalo naming maintindihan ang akdang " Ang Kalupi " ay kami ay nagkroon ng pangkatang gawain. At amin nang naintindihan ang bawat eksena sa akdang ito.

JAN.24, 2014
Ngayong araw, isa-isang binuod ng aking mga kaklase ang akdang "Ang Kalupi".At pagkatapos ay tumuon na kami sa ugali ni Aling Marta kung ano nga bang uri ng karakter ang mayroon siya. Pagkatapos nito ay kami ay pinagawa ng aming guro na kami ay gagawa ng aming sariling kuwento na siya ng magbibigay kung anu ang tatakbuhin ng kuwento na aming gagawin.

JAN.25, 2014
Ngayong araw kami ay pinapunta ng aming guro upang kani ay ma awardan para sa mga top students pagktapo ng meeting ng mga magulang.At pagkatapos nito ay ipinagbunyi na namin ang Math Month at kami ay nagkaroon ng mga programa at mayroong mga taong talentado na nagkaroon ng presentasyon sa stage.
Nang nagsi uwian na kami ay naiwan upang mag-review nanaman para sa darating na Division Orals ng Matth.






























































Walang komento:

Mag-post ng isang Komento